COA: Higit sa P6.39B transaksyon ng 4Ps mula December 2015, wala pang liquidation

Posted on Posted in News Light Updates

COA

Higit sa P6.39 billion pesos ang hindi pa naliliquidate ng Department of Social Welfare and Development mula pa noong December 2015 ayon sa Commission on Audit o COA.

Mula ang mga unliquidated na pondo sa mga transaksyon ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps ng DSWD.

Matatandaang sa ilalim ng Conditional Cash Transfer o CCT program ng ahensya naglaan si dating pangulong Benigno Aquino III ng pondong aabot sa P62.3 billion noong 2015.

Kasama sa higit anim na bilyong unliquidated funds ay ang hindi pa nababayarang higit sa tatlong bilyong pisong transaction sa Land Bank of the Philippines mula pa noong taong 2008 hanggang 2014.

Wala pang pahayag ang DSWD sa naturang COA report sa kasalukuyan.

Matatandaang nasa 4.4 milyong household beneficiaries ang nakinabang sa 4Ps sa ilalim ng administrasyong Aquino mula noong 2010 hanggang hunyo ng taong 2016. — KAREN GARUCHA/ NEWSLIGHT

Leave a comment