COMELEC: Registration period ng Barangay at SK Elections, walang extension

Posted on Posted in News Light Updates

Walang extension para sa registration ng mga botante para sa Baranggay at Sangguniang Kabataan Elections.

Iyan ang ipinaalala ng Commission on Elections dahil hanggang sa Sabado na lamang Juy 30 ang deadline ng the voter’s registration.

Kailangan daw masunod  ang timeline ng COMELEC para  maging maayos ang kanilang preparasyon para sa SK at Barangay elections..

Kabilang na dito  ang pagsasaayos ng project of precincts na maglalaman ng mga bilang ng presinto at voting centers kasamana ang bilang ng mga botante sa bawat polling precincts.

Ayon sa tala ng ahensya nasa 1,181,139 applicants ang nagpatala simula noong July 15- 23.

Pinaaalalahanan din ng COMELEC ang mga botante na kuhanin na ang kani-kanilang mga voter’s ID sa mga local Office of the Election Officer.

Giit ng poll body, hindi ide-deliver sa bahay-bahay ang mga ID kaya naman dapat itong kuhanin ng personal.

Sa October 31, 2016 gaganapin ang SK at Barangay elections .–NewsLight

Leave a comment