Dating VP Binay, nahaharap sa kasong Graft at Falsification of Public Documents

Posted on Posted in News Light Updates

vlcsnap-2016-07-14-12h11m39s253

Sinampahan ng Ombudsman si dating Vice President Jejomar Binay ng kasong graft at falsification.

Kaugnay ito ng overpriced construction ng makati parking building na aabot sa 2.2 bilion pesos.

Nilabag umano ng dating Bise-Presidente ang Section 3 ng Republic Act 3019 o Anti-graft and Corrupt Practices Act at Falsification of public documents sa ilalim ng Article 171 ng Revised Penal Code.

Matatandaang nauna na ring nakasuhan ng graft at falsification of public documents ang anak niyang si dismissed Makati Mayor Junjun Binay.

Patuloy din ang imbestigasyon sa dating Bise-Presidente kaugnay ng limang plunder complaint na inihain laban sa kanya dahil pa rin sa mga overpriced na construction ng iba pang mga establisyamento sa lungsod ng Makati. — Precious Pacho / News Light


Leave a comment