Divorce Bill muling inihain ng Gabriela Partylist sa ika-limang pagkakataon

Posted on Posted in Media Partnership
Co55vuaUsAEaubx
Courtesy: Rep. Emmi De Jesus

Sa ikalimang pagkakataon, muling inihain ng Gabriela Partylist ang Divorce bill sa Kongreso. Mismong sina Representative Emmi De Jesus at Arlene Brosas ang naghaon ng HB 2380 kasama ng iba pang mga Divorce advocate groups. Umaasa sila na sa pagkakatong ito sa 17th Congress ay makakakuha na sila ng mas maraming boto mula sa iba pang mga mambabatas ng mataas at mababang kapulungan.

“Walang forever” ang sigaw ng mga Gabriela at pro-divorce at nananawagan sila tapusin na ang matagal na umanong pagkakatali ng inaabusong asawa. Paliwanag ng grupo, hindi nila sinisira ang maggandang pamilya sa pagsusulong ng Divorce Bill ngunit suportado nila ang kapakanan at kaligtasan ng mag-asawa at ang isyu ng pagmamaltrato.

2005 nang unang inihain ng partylist ang Divorce bill ni Rep. Liza Maza. –News Light

Leave a comment