Duterte, ikakansela ang unilateral ceasefire kapag hindi nakapagpaliwanag ang NPA sa nangyaring pag-atake sa Davao del Norte

Posted on Posted in News Light Updates
Photo Courtesy: MARO-PCOO
Photo Courtesy: MARO-PCOO

Binantaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang New People’s Army o NPA na babawiin ang unilateral ceasefire kung hindi maipapaliwanag ng rebeldeng grupo ang pag-atake na nagdulot ng pagkamatay ng isang sundalo at apat kataong sugatan.

Matatandaang noong July 25 sa kanyang kauna-unahang State of the Nation Address, idineklara ng pangulo ang tigil putukan sa pagitan ng pwersa ng militar at communist group na CPP-NPA-NDF.

Pero matapos ang tatlong araw, inatake ng NPA ang Civilian Armed Forces Geographical Unit sa Barangay Gupitan sa Kapalong Davao del Norte.

Seryoso umano ang si Duterte na ikansela ang unilateral ceasefire kapag hindi agad nagpaliwanag ang komunistang grupo at sinabi pang ituloy na lamang ang bakbakan kung ayaw ng mga ito.

Nagpahatid ng pagkadismaya si Duterte sa NPA gayong ginagawa ng gobyerno ang lahat upang maisaayos ang kapayapaan sa Mindanao.

Matatandaang sa darating na August 20, nakatakdang matuloy ang peace talks na gaganapin sa Oslo Norway kasama ang ilang miyembro ng CPP-NPA-NDF kabilang si Joma Sison at representante ng government peace panel sa pangunguna ni OPAPP Secretary Jess Dureza. –KAREN GARUCHA/ NEWS LIGHT

Leave a comment