Mga Pinoy na kasali sa Rio Olympics, handa nang umalis ng bansa

Posted on Posted in News Light Updates

 

ph18-071816_KING3

Nakahanda nang umalis ng bansa ang sampung Pinoy athletes na sasabak sa 2016 RIO de Janeiro Olympics.

Tutulak papuntang Rio, Brazil sa Biyernes, July 22, ang mga atleta na sina Ian Lariba,Elaine Alora, MiguelTabuena, Maristella Torres, Hydeline Diaz, Gregorio Colonia, Mary Jay Tabal, Rodel Ladon, Charlie Suarez, at Ericson Cray

Kahapon ay humarap ang anim sa sampung atleta kay Pangulong Duterte para sa send off ceremony.

Ipinangako naman ni Duterte na tataasan nya ang allowance ng mga atleta mula 1000 U.S Dollars ay itataas nya ito sa 3000 U.S Dollars habang 5000 U.S dollars naman para sa mga coaches.

Magsisimula ang 2016 RIO Olympics sa August 5 at magtatapos naman sa August 21.—Daniel Amos Manalastas/Newslight

Leave a comment