Mga small-scale miners, umapela kay Pang. Duterte na isulong ang reporma sa industriya ng pagmimina

Posted on Posted in News Light Updates

vlcsnap-2016-07-13-17h01m56s114

Nanawagan ang mga small-scale miners o ‘yung mga karaniwang minero kay Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng reporma sa industriya ng pagmimina.

Panawagan nila, sana ay isulong ng bagong administrasyon ang non-toxic na pagmimina.

Laganap na raw kasi ang mga minero ng ginto na nagkakasakit dahil sa kemikal na mercury.

Dagdag pa rito ang laganap na korapsyon sa sistema ng mga minahan, gaya ng sobrang pagpapataw ng buwis at mga nangingikil sa kanilang mga mininang ginto na hindi naman daw nagtrabaho.

Pakiusap nila, sana ay maipatupad na ang panukalang nais ng pangulo na gawing simple ang proseso ng pagkuha ng permit upang makapagmina ang mga pangkaraniwang mamamayan. — Precious Pacho / News Light

Leave a comment