Miss Universe Pia Wurtzbach, nag courtesy call kay Pres. Duterte sa Malacañang

Posted on Posted in News Light Updates
Photo Courtesy: Pia Wurtzback Fb official account
Photo Courtesy: Pia Wurtzback Fb official account

Malugod na tinanggap ni pangulong Rodrigo Duterte si Miss Universe Pia Wurtzbach sa kanyang ginawang courtesy call sa Malacañang.

Sarado sa media ang courtesy call at tumagal ito ng 30 minuto.

Ayon kay Pia, isang malaking karangalan na makadapuang palad at makausap ang pinakamataas na lider ng bansa.

Sa naganap na pagpupulong, natalakay ang posibilidad na ang Pilipinas ang mag-host ng susunod na Miss Universe pageant.

Hindi rin naiwasan ng dalawa mapag-usapan ang kanilang mga similarities lalo’t pareho sila galing ng mindanao.

Si Duterte ay galing ng Davao habang si Pia ay galing ng Cagayan De Oro.

Samantala, bago ang faceoff ng dalawa sa Malacañang, ipinaabot ni Pia sa Department of Tourism ang kanyang pangarap na maging ambassador for the Philippines para i-promote ang turismo ng bansa.

Paliwanag ng reigning Miss Universe, patuloy nitong ipinagmamalaki ang Pilipinas sa bawat bansang kanyang pinupuntahan habang hawak ang prestihiyosong korona.- Ezekiel Farsario/Newslight

 

Leave a comment