Pang. Duterte, ayaw magpatawag ng “His Excellency”

Posted on Posted in News Light Updates

memo

Ayaw nang magpatawag bilang “his excellency” si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon mismo yan sa isang memorandum na inirelease ng Office of the President sa Malacañan at pinirmahan mismo ng pangulo na nagsasaad na simula ngayon ay dapat na lamang siyang i-address bilang President Rodrigo Duterte sa lahat ng letters at official memos, mga event at official materials.

Hindi na rin dapat tawaging “honorable” ang mga miyembro ng kanyang gabinete at sa halip ay i-address na lamang sila bilang “secretary”.

Pero paglilinaw sa inilabas na memo, maaari pa rin namang tawagin ang mga kalihim bilang “honorable” ngunit sa internal communications at documents o sa loob lamang ng kanilang departamento.

Matatandaang nauna nang ipinahayag ng pangulo na nais niyang matawag bilang president mayor duterte dahil sa nais nitong maalala ang kanyang legacy bilang alkalde ng Davao sa loob ng dalawamput tatlong taon. — KAREN GARUCHA/ NEWS LIGHT

Leave a comment