Pangulong Duterte, malungkot daw sa pagtira mag-isa sa Bahay Pangarap sa Malacañan

Posted on Posted in News Light Updates

13627124_878261245612458_2030489308085198250_n

Sa Bahay Pangarap na nakatira si Pangulong Rodrigo Duterte simula noong Lunes, July 11.

Dahil malaki ang lugar, malungkot daw si digong dahil mag-isa lamang siyang naninirahan sa Bahay Pangarap.

Sa mga larawang ito, makikita ang pag-welcome ng ilang staff ng Bahay Pangarap at ang pagsama ng Pangulo sa blessing ng bahay na kanyang tutuluyan habang nandito siya sa Maynila.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, tinawag pa ng pangulo na “aalog-alog” ang kanyang tuluyan dahil sa laki at nag-iisa lamang siya sa loob.

Hindi pa rin daw maiiwasan na uuwi ang pangulo sa Davao City dahil nandun ang kanyang pamilya.–KAREN GARUCHA/NEWS LIGHT

Leave a comment