Senate investigation sa extrajudicial killings ng mga drug pushers at users, itutuloy ni Sen. De Lima

Posted on Posted in News Light Updates

vlcsnap-2016-07-13-15h58m26s938

Kahit binatikos na ng palasyo, ng PNP at ng Solicitor General, tuloy pa rin si Sen. Leila de lima sa binabalak na senate investigation kaugnay ng sunod-sunod na pagkamatay ng mga drug suspect nang magsimula ang operasyon ng PNP kontra droga.

Ayon sa senadora, hindi siya natatakot sa naging banta ni Solicitor Genral Jose Calida na kakasuhan siya kapag ipinagpatuloy pa nito ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa senado.

Dagdag pa nito, maipapakita niya sa imbestigasyon na hindi totoo ang paratang ni Calida at ng Duterte administarsyon na kinunsinte niya ang paglala ng droga sa bansa bilang dating Justice Secretary sa ilalim ng Aquino administration.

Matatandaang nauna nang binaggit ng palasyo na ang ninanais na pagsasagawa ng senate investigation ay pagpapakita ng pagsasawalang bahala trabaho ng PNP sa pagiimbestiga sa isyu sa drugs.

Samantala, ipinagtanggol naman ng Malacanang ang naging pahayag ni Calida kay De Lima at sinabing naniniwala silang ginagawa lamang nito ang kanyang trabaho sa ligal na pamamaraan.—Karen Garucha/NewsLight

Leave a comment