Solusyon sa trapik sa Metro Manila target na masolusyunan sa loob ng 100 days

Posted on Posted in News Light Updates

vlcsnap-2016-07-13-15h33m52s096

Sa loob ng 100 days, target na mabawasan ng Duterte Administration ang kalbaryo ng mga mananakay dulot ng masikip na daloy ng trapiko partikular na sa Metro Manila.

Isa ang traffic sa mga pinag-usapan sa ikalawang cabinet meeting ng Duterte administration kung saan ibinigay ni Department of Transportation Secretary Art Tugade ang kanyang proposal sa solusyon sa trapiko sa National Capital Region.

Ilang reporma sa transportasyon ang ipinagako ni Tugade na inaasahang magdudulot ng positibong pagbabago sa malalang trapiko sa bansa.

Sa kasalukuyan hindi pa buo ang detalye ng nasabing reporma pero ayon sa kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, ilan rito ay ang pagkakaroon ng alternatibo sa pagbili ng mga ticket sa LRT at MRT at pagkaakroon ng mas maayos na waiting areas para sa publiko na bumabyahe araw-araw. –Karen Garucha/NewsLight

 

Leave a comment