Tech-Voc training sa mga preso, Isinusulong ni Villanueva Sa Senado

Posted on Posted in News Light Updates

Upang mabigyan ng bagong buhay ang mga preso matapos silang makalaya, naghain
ng panukalang batas si Sen. Joel Villanueva na target magbigay ng technical vocational training sa mga nakakulong sa mga piitan.

Sa ilalim ng Senate Bill 212 o Training Inside Prisons Act of 2016′, bibigyan ng skills development training ang mga preso na akma sa kanilang kakayahan upang pagkatapos ng kanilang sintensya ay makahanap agad sila ng trabaho.

Paliwanag ni Villanueva, kailangang mapalakas ang rehabilitation function ng criminal justice system ng bansa at magagawa lamang ito kapag nagkaroon na ng kapak-pakinabang na mapagkakaabalahan ang mga inmates sa loob ng mga kulungan.

Ang tech voc training na isinusulong ni Villanueva ay maituturing daw na passport to employment dahil ito ay makapagbibigay ng kumpyansa sa mga preso. Sagot din daw ito sa congestion of jails na nararansan ngayon sa bansa.

Ayon sa tala ng Bureau of Jail Management And Penology o BJMP, sa kasalukuyan ay nasa 70,000 na ang kabuuang inmates sa bansa na karamihan ay nasa 18-39 ang mga edad.

Sakaling makabatas, ang Technical Education And Skills Development Authority, Department of Education at Department of Justice ang mangunguna sa nasabing proyekto. –Mark Makalalad/NewsLight

Leave a comment